Home » Post Item » Regarding Derrick
Regarding Derrick
February 4, 2008Blood Compact
Hindi kita balak sugatan
Kahit nagulat sa ‘yong hiling;
Ilang taon din ang nagdaan
Mula nang huli itong gawin.
Kundi ko man agad naarok
Ang bukal ng iyong kalamnan,
Marahil ay dahil sa takot
Na balikan ang nakaraan.
Nang dugo’y tumulo’t pumatak
Sa balat nitong aking kamay,
Naisip ang ating tinahak
At hinarap nang magkasabay.
Kung ikaw ang katipunero,
Ako ay punyal na matalas
Na nakaamba sa ‘yong braso:
Nakaabang sa takdang hudyat.
Kung ang pagdaloy nga ng dugo
Ang tangi nating pamantayan,
Ngayo’y lubusan nang nabuo
Ang ating pagkakaibigan.
para kay Derrick
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











Huwow!!!! Ang galing ng dating ng ending. laging pagulat di kalibre talaga ang dating, ma prose man o poetry.
Posted by derick alli at February 11, 2008, 5:18 pmThe best part is na blood compact. hehehe. naalala ko tuloy ang blade na movie.
mga bagong bayani ata ang dating ng katipunero tsaka matalas na punyal.
i find the second stanza as very teasingly profound.
I felt really really good with the last stanza. Thanks Mike, kahit man lang sa segundong sakit na naramdaman ko, naghiwatig eto / simbolismo na parang hakbang sa pamumuo ng ating pagkakaibigan. (i know there’s more to that in life - not just on pricks and pins - ano to? - hehehe). cheers man, derick