Home » Post Item » By the River Sae San I sat and wept, part 2
By the River Sae San I sat and wept, part 2
May 16, 2008Tabing-Ilog
May lamig ang umaga
Ngunit di alintana;
Busog ang mata’t-isip
Sa aking namamasid.
Matiwasay ang ilog:
Tahimik gaya ng hamog
Na kalong ng bulaklak–
Tanaw sa paglalakad.
Ulan ay nagbabanta
Sa aking pag-iisa;
Ngunit hindi na takot
Sa pagbuhos ng unos.
Umagos man palayo
Ang dati niyang pagsuyo,
Tangayin man ng hangin
Ang tamis ng pagtingin,
Gaano man lumalim
Ang sugat ng damdamin,
Ako, tulad ng ilog,
Ay handa sa pagsubok.
Lahat ay lumilipas:
Araw, unos, at lumbay.
May kimkim na liwanag
Ang madilim na ulap.
steung treng, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











bwiset! ang ganda..hehehehehe so we are daring to be brave and be someone new
Posted by daden at May 19, 2008, 8:30 am