Home » Post Item » Moving on
Moving on
June 10, 2008Bagong Ba(u)hay
Nailagay na ang bawat muebles
Sa kanilang itinakdang lugar;
Nabuksan na lahat ng kahon at
Naisalansan lahat ng laman:
Plato, baso, at mga kubyertos,
Kawali, kaldero, pati kalan;
Nailatag na ang kobre-kama
Napundahan na ang mga unan;
Nailiigpit na lahat ng supot,
Nawalis na ang kapaligiran.
Ang tanging kailangan kong gawin:
Pagbabagong ito’y panindigan,
Tanggaping lubos ang hinaharap
Iwaksi ang pait ng nagdaan.
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











aaayyyyy…..
Posted by mai at June 10, 2008, 11:31 amkakatouch naman ang ending nito
if i know gusto mo lang sbhn n tapos ka na maglipat…
ket’s just see kelan ka ulit lilipat..nyahahaha