Home » Post Item » Rendezvous
Rendezvous
September 9, 2008Pagtatagpo
Sa alinsangan ng hapon
Sa alikabok ng kalsada
Tayong dalawa’y sumilong
Na tila sabik sa pahinga.
Sa bagong katahimikang
Bumalot sa ating dalawa
Agad nating sinubukang
Punuin ng mga salita
Ang mga hindi nababatid
Tungkol sa ating mga buhay
Kahit may kabog ang dibdib
At kiming libog ang katawan.
Sa alinsangan ng hapon
Hanggang sa pagtatakip-silim
Tayong dalawa’y sumilong
At nagsilipan ng damdamin.
Umusal ng kahilingang
Pagkakaibiga’y mabuo
At agad sanang masundan
Ang una nating pagtatagpo.
para kay N
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











i really like this poem. well written as usual.
the emotion is so palpable.
randam ko pa ang yearning even after reading the poem.
cheers
p.s. incidentally, the code required is spelled nudge (kakaaliw)
Posted by derick at September 15, 2008, 7:53 pm