Home » Post Item » Waking up alone
Waking up alone
September 24, 2008Alas Singko Y Medya
Nagising
Na ramdam ang yakap
Ng iyong bisig sa ‘king dibdib,
Ang init ng iyong hininga dito
Sa ‘king balikat, at ang dagan
Ng iyong hita sa ‘king hita.
Pumikit
Muli upang namnaming
Lubos itong mga pakiramdam,
Bago pa sila maglaho kasabay
Ng lamig ng umagang mula
Sa magdamag na pag-ulan.
Subalit
Bago pa dumilat ang mata’y
Naalimpungatan ang diwa upang
Ipamukha ang aking pag-iisa
Sa kalawakan ng aking kama
Tuwing ako ay gumigising.
Kay lupit nitong umaga.
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.










