Home » Post Item » Shot glass poetry
Shot glass poetry
October 4, 2008Usapang Lasing
Nang lumalim ang gabi kasabay
Ng ating kalasingan, natagpuan
Ko bigla na tayo’y nagtutunggali
Kahit di batid kung ano ba talaga
Ang pinaglalabanan, tumaas
Ang mga boses, nagsalimbayan
Ang mga opinyon na tila kidlat
Na gumuguhit sa kalangitang
Binabagyo, naghalo ang tatlong
Wika sa pag-ikot nitong usapan–
Hanggang sa kusang nahinto
Ang palitan ng salita at ikaw ay
Natahimik, waring nalukuban
Ng walang hanggang pagod.
Hatid ng umaga ang pagkalimot,
Dahil nang muli kang makita’y
Nagbalik ang palitan ng ngiti’t
Mga biruan, at ang karugtong
Ng ating tunggalia’y sasapit uli
Marahil sa pagsayad ng alak
Sa sikmura at sa pag-akyat
Ng mga espiritu sa ating utak.
para kay King
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
ganun? gudlak sa atay ko dahil kelangan lasing din ako para maharap ko nang maayos ang kapatid mo! hahaha!
Posted by pinakadalisay at October 5, 2008, 3:45 ambwahahaha!
pati si ate aliw na aliw kay K last Friday..nagsasaywa kse magisa sa gilid ng stage db?
ledge dancer pla!!!
mai: honga, ledge dancer pala ang hitad!
Posted by pinakadalisay at October 6, 2008, 11:51 amAll comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











hahahahahaha i dont know if i can say that i look forward sa mga tagpong ito
Posted by JB at October 5, 2008, 3:16 am