Home » Post Item » Shot glass poetry 3
Shot glass poetry 3
October 8, 2008Napagtanto Kagabi
Larawan ka ng ligayang
Di mapapalubog
Tuwing ika’y gumagalaw
Sa saliw ng tugtog,
Tuwing ika’y humalakhak
Sa buwan na bilog.
Nawa’y lagi kang ganito
Araw man o gabi
Dahil nasilip ang lalim
Ng iyong pighati,
Dahil nabatid ang lihim
Sa likod ng ngiti.
Mabato ang mga daan
Tungo sa ligaya
Mahirap ang paglalakbay
Pag laging mag-isa,
Ngunit maraming karamay
Kahit mukhang wala.
muli, kay King
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











grabe!!!!! pangatlo na to ha!!!!!! ayoko na! hahahahahaha
Posted by JB at October 8, 2008, 8:11 am