Home » Archives » December 2008
Recap
December 30, 2008The year of living dangerously
Came close to Death
Not once but twice, baffled
At my luck, or misfortune,
Depends on who I ask;
Came close to Love
Not twice but thrice, afraid
Of myself, and my heart,
Whichever is still here;
Came close, a Life
Of possibilities, decided
To stay, and move on,
To where, so uncertain.
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Smoke
December 22, 2008usok
ibinabalik ng hangin
ang usok ng sigarilyong
binuga palayo sa ‘kin:
nanunuot sa ‘king ulo
ang usok ng iyong dibdib,
di arok kung san ang dulo
ng hininga at pag-ibig–
kung gaano ba kapusok,
kung sinlinaw ba ng tubig.
ngunit katulad ng usok
mula sa ‘yong sigarilyo,
ang pangako mo’y marupok,
sadyang madaling mabuyo
ng mga bulong ng hangin,
kayang tangayin palayo
hanggang maglaho sa akin.
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Drifting, 5
mid-air
on the plane,
the twilight sun
falls on my skin
like molten steel.
my drink glints
like his icy stare,
hitting my eyes:
slivers of glass
that cuts me blind,
blood with tears
i wish to wipe away
with the fat clouds
cushioning the plane.
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman
Drifting, 4
December 17, 2008alapaap
tumama ang sikat
ng palubog na araw
sa aking kamay at
sa basong plastik;
kumislap ang baso,
habang tila natubog
sa gintong makinang
ang aking kamay;
nabaling ang tingin
sa balumbon ng ulap
na tila bulak sa ilalim
ng aking sinasakyan;
at sa pagtama ng kisap
sa aking mga mata,
naisip ko kung maari
bang ipahid sa mga ulap
itong aking mga luha?
ang air space sa pagitan ng vietnam at cambodia
copyright Michael P. De Guzman
Drifting, 3
December 3, 2008cast away
the night sky
is dark and wide
stars burn with their
endless fires while
the river encloses me
in its cool embrace:
lulling me to slumber
devoid of any thoughts,
not caring for whatever
happens from here on.
phnom penh, 2008
copyright Michael P. De Guzman










