Home » Post Item » Drifting, 4
Drifting, 4
December 17, 2008alapaap
tumama ang sikat
ng palubog na araw
sa aking kamay at
sa basong plastik;
kumislap ang baso,
habang tila natubog
sa gintong makinang
ang aking kamay;
nabaling ang tingin
sa balumbon ng ulap
na tila bulak sa ilalim
ng aking sinasakyan;
at sa pagtama ng kisap
sa aking mga mata,
naisip ko kung maari
bang ipahid sa mga ulap
itong aking mga luha?
ang air space sa pagitan ng vietnam at cambodia
copyright Michael P. De Guzman
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.











natagtag ako — wow — ala ako masabi…
Posted by derick at December 18, 2008, 12:39 amso well written — and the ‘build up’ is so subtle — with the one liner at the end that made it all more blagggg…. thanks mike for creating such great poetry…